Monday, October 17, 2016

          Alam naman nating lahat na parte na ng buhay ng tao ang internet at social media. Araw-araw itong  ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay ng tao kaya sa pag-usbong at pag unlad ng teknolohiya sa ating bansa,ito ay may pinakamalaking tulung sa lahat ng mga mamamayan at lalong-lalo na ng mga mag-aaral  sa kasalukuyan ngayon.
        Halimbawa ng mga teknolohiyang ginagamit na nakakatulong  sa ating pang araw-araw na gawain kagaya ng kumpyuter na siyang may pinakamalawak na nararating na laging ginagamit ng mga guro  at ng mga mag-aaral bilang instrumento ng pagtuturo at pagkatuto.Halos maraming paaralan na sa ating bansa ay gumagamit na at mayroon ng kumpyuter na may access ng internet ma pribado o pampublikong paaralan man,upang maging mabisa ang pagtuturo ng mga guro sa kanilang mga estudyante  sa mga pang akademikong pamantayan at lalong- lalo na sa pag aaral ng mga mag-aaral. 
           Sa kasalukuyan ang internet ay may malaking naitulong sa mga mag-aaral ,dahil sa internet napapabilis ang pagkalap ng mga impormasyon na walang kahirap-hirap,pwede ng masagutan ng mga estudyante ang kanilang mahihirap na takdang aralin ,isang pindot lang lalabas agad ang lahat ng mga impormasyon na iyong kailangan, pwede na rin silang magbasa ng mga basahin kagaya ng news ,aklat at iba pa na hindi na kailangan pang pumunta sa isang library para lng kumuha ng mga impormasyon at isa pa mas mapapabilis  ang pagkatuto at maunawaan ng mga mag aaral ang paksang itinalakay ng kanilang guro.
           Nakakatulong din ang social media kagaya ng facebook,twitter, google ;instagram at iba pa dahil dito kahit na malayo  ka sa iyong mga kaklase  pwede kayong mga group online study o kaya magtanong sa iyong guro tubgkol sa paksang hindi mo lubos na naiintindihan.
         Napakalaking tulong ng internet at social media sa buhay ng tao lalong lalo na sa mga mag -aaral kaya lagi nating tatandaan na ugaling  iwasto ang paggamit nito at huwag itong abusuhin dahil itoy may malaking naitulong sa buhay ng tao at ito rin ang dahilan kung bakit ang ating bansa ay umuunlad ngayon.


Sinulat ni:
JEANNETH L. M,ANSUMILAY

No comments:

Post a Comment