Tuesday, October 18, 2016

 Ang Internet ay isang magandang bagay na nagpapabilis, nagbibigay sagot at aliw, at naghihintay lang diyan sa tabi handang tulungan tayo kung may gusto tayong bagay sa kanila. Dahil kadalasan ng mga Pilipino ay tamad, sila'y naghahanap ng mabilis na paraan para makuha agad ang mga bagay na gusto nila lalong-lalo na kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa pag-aaral. Halos lahat ng mga Pilipinong mag-aaral ay tamad at sila'y naghahanap ng mabisang paraan sa pagkuha ng mga sagot at dahil diyan bumunga ang kahusayan ng mga Pilipino sa paggamit ng Internet. Ginagamit nila ito sa kanilang pag-aaral at kung ano pa man yang akademikong impormasyon. Ngunit hindi pa diyan nagtapos, pumasok ang social media sites sa buhay nation at lalong bumilis ang pagpalitan ng impormasyon ng mga estudyante at sa paraang ito mas umunlad ang kaisipan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Internet at social media sites sa buhay nila.
 Malaki na ang naitulong ng internet sa pag-aaral ng mga estudyante ngayon lalong-lalo na sa paglabas ng social media sites. Binigyan ng internet at social media sites ang mga estudyante sa kasalukuyan ng shortcut sa lahat ng aspeto ng pag-aaral nila. Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang pagkuha ng mga sagot sa mga asignatura, hindi na natin kailangan mapagod kakahanap ng mga sagot sa libro o kung ano pa man yan dahil sa ilang pindot lang sa Google, ang pinakasikat na hanapan ng mga sagot sa ating katanungan, makuha agad natin ang sagot na hinahanap natin at dahil din sa social media sites pwede ma tayong makipag-usap sa mga kaklase at kaibigan natin kung may nakalimutan kang asignatura o notes sa paaralan n kailangan mong gamitin o kung may gusto kang sabihing akademiko sa kaibigan mo. Hindi ito lahat possible kung hindi tayo humanap ng paraan para mas mapabilis ang pagtuto natin para makatulong sa kinabukasan nating lahat.
-Kahlil Pantastico

No comments:

Post a Comment