Tuesday, October 18, 2016

             Sa panahon ngayon bahagi na ng buhay ng tao ang internet at social media. Nakakatulong ang internet sa lahat lalo na sa mag-aaral na katulad ko dahil pag may mga salita na nahihirapan akong intindihin ang kahulugan gagamit ako ng internet at malalaman ko na kung ano ang kahulugan ng salitang di ko maintindihan.Sa tulong ng internet lumalawak ang ating  kaalaman tungkol sa mga bagay- bagay na nasa ating paligid. kung ikukumpara natin ang noon at ang sa kasaluyan na ginagamit sa paghahanap ng sagot sa mga tanong mas mabilis na ngayon  sapagkat may makabagong teknolohiyang inimbento  at mas mabilis na paraan upang mapadali ang paghahanap ng sagot. Noong wala pa ang mga ito kailangan mo pang pumunta sa silid- aklatan  at maghanap ng libro para masagot ang kailangang dapat sagutan. dahil sa talino ng tao nakagawa sila ng mga bagay para mapadali ang paghahanap ng sagot sa mga tanong.
                At dahil naman sa social media maari tayong makipagkomunikasyon sa ating mga mahal sa buhay lalo na kung sila ay nasa ibang bansa. Sa social media pwede mong ipakita sa lahat ang iyong natatanging talento at  magpahayag ng iyong sariling saloobin o nararamdaman sa isang tao. Maari kang magbigay ng mensahe sa mga tao at ang isa sa kinagigiliwan ng kabataan ngayon ay facebook. Sa social networking site na ito pwede kang magpost ng picture at video. Marami kang makikilala  at magiging kaibigan. Sa social media pwede mong gawin kung ano ang gusto mo at malaya kang makakagawa ng mga ito.

Sinulat ni:
ROBELYN CALOOY

No comments:

Post a Comment