Monday, October 17, 2016

Sa ating makabagong panahon ngayon siguro halos lahat ng tao ay marunong ng gumamit ng cellphone at internet. Ito ay bagong nakasanayan ng mag tao at itoy naiiba noong unanag panahon na ang ginagamit ay tanging pagsusulat at pagbabasa. Ang malaking maitutulong ng social media sa mga tao ay ang pagtuklas ng mabilis na impormasyon at pagtuklas ng mga makabagong gawain. Ito rin ay nakatutulong sa paggawa ng ating mga takdang aralin at pakikisali sa mga makabagong bagay ng pagtuklas. Ang malaking naibabahagi ng social media sa mga kabataan ay nakakatulong sa ibang nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng paggamit nang social media. Ang social media rin ay dapat na ekontrol lalong lalo na sa mga mahihilig gumamit ng internet dahil ito rin ay dahilan ng paghahasik ng mga kasamaan ng ibang tao. Matutulad dito ang mga hacker at posser; dapat tayong maging alerto at kontrolado sa bawat pag galaw at paggamit ng social media nang maiwasan ang pagkaadik at pagbababad ng oras dito.

Sinulat ni:
NEIL MARCK CONCEPCION

No comments:

Post a Comment